Home > Personal, School > Bayanan Adventure

Bayanan Adventure

Para kaming nag-adventure ni Jing kaninang umaga! Hindi pala, adventure na talaga ang ginawa namin… Let me tell you the story… I guess I can say names here in this post since adventure story naman ito at hindi gaanong sensitibo…🙂

INTRO: May hinanap kaming pari kaninang umaga sa Bayanan, San Pascual, upang interview-hin para sa The LATHE article na gagawin ni Jing. Hindi namin akalain na ang daming mangyayari…🙂

Jing and I met at the Main Campus kaninang 9:00AM. Nung dumating ako, naroon din si Jupiter, na ang sabi niya ay may errand daw siya na gagawin kaya nasa bayan siya… He showed us his brand new phone. Ang mura daw ng cellphone sa Taiwan…

Akala namin ni Jing ay hindi na darating si Bhen kaya umalis na kami by 10:00AM at sumakay sa biyaheng "Bauan." Naghiwalay na rin kami ni Jupiter… Nagtext pa nga siya ng "yngatz…" Siguro dahil maload, pero alam ko namang concerned siya sa amin ni Ate..

Pagpasok namin ng San Pascual, Batangas, hinanap na agad namin ang palengke doon. Akala ko nga ay nalampasan na namin ang palengke nung nakita ko yung milestone na nakalagay na "B2," ibig-sabihin: "Bauan — 2 km ahead". Yun pala, nasa boundary na mismo ang palengke… Hahaha… Nakakainis at nakakatawa at the same time…

Sumakay kami ng tricycle patungo sa Bayanan… Medyo malayu-layo din ang biyahe (siguro same distance from kanto ng Caltex to Vera's). Pagdating namin sa may simbahan (Mary Magdalene Parish), hinanap agad namin yung pari na iinterview-hin namin, si Fr. Jojo… Nang kausapin namin ang katiwala sa simbahan, sabi niya na umalis ang pari papuntang Batangas [City]… WHAT!?!? At isa pa, sinabi niya, "May nanggaling na rin dito kanina eh… Yung batang naka-semikalbong gupit…" WHAT?!?!?! BHEN WAS THERE!?!?! What a twist…

So Jing and I went back to Batangas City… Nagdesisyon kaming kumain sa Chowking… and guess who we met there… BHEN! Hayop na yan!!

After eating our congees, we headed straight for Plaza Mabini dahil sabi ni Bhen na naroon daw sina Girlie at Numer… Pagdating namin doon, wala man lang "development." Sila pa ring dalawa doon… Then we headed for the Basilica and look for this Fr. Jojo…

Pagdating namin doon, hindi pa available ang pari dahil kumakain pa daw siya… Kaya nagkwentuhan na lang kami nina Bhen at Ate Jing about UP, etc… Then, I think we went back sa Plaza.. Andun sina Sasa, Numer, et al.

And then… again… wait… wait… and WAIT.. Oh, while we're waiting for Father to "wake up" (we were told he was napping), we saw this woman… OH MY GOSH! It's my and Jing's elementary Filipino teacher! Lumayo kami ni Jing sumandali… Hindi ko mapigil ang matawa… ewan ko kung bakit… ah… basta…

*FAST FORWARD para hindi kayo ma-bored*

At about 5pm we got the interview (FINALLY!)

After that, we met up with the others (the ones we were with at the plaza that afternoon) at the Bay City Mall… tapos kinagabihan, nag-Plaza kami… tapos nag-uwian na rin kami…

THE END.

Categories: Personal, School
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: