Home > Personal > Burnout

Burnout

Burnout na yata ako. Ewan. Tila kasi nawawalan na talaga ako ng interes sa mga ginagawa ko ngayon — thesis, UP ACM, at ang mismong pag-aaral. Sana pwede ring mag-”leave with pay” ang mga mag-aaral na tulad ko. “With pay” — walang mawawala sa akin sa aking pagbabakasyon, pero imposible yata iyon. Gustuhin ko mang magpahinga nang mahaba, hindi maaari.

Noong una, tila ang mga nabanggit kong bagay sa itaas ang ilan sa mga gustung-gusto kong gawin, pero bakit tila hindi na ako maligayang gawin ang mga iyon? Bakit tila nararamdaman kong gusto ko nang bitawan ang mga iyon upang gumawa ng bago.

Paano ba ibsan ang epekto ng burnout, kung hindi naman maaaring magpahinga?

Categories: Personal
  1. No comments yet.
  1. No trackbacks yet.